PCSO MAMIMIGAY NG AMBULANSYA SA BUONG BANSA

MAMAMAHAGI ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mga ambulansya sa buong bansa bago matapos ang termino ng PBBM sa 2028.

Target ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maipamahagi ang mga ambulansya sa buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa 2028.

“Lahat ng munisipyo, bayan, o lungsod sa bansa ay bibigyan ng ambulansya, kasama na ang mga hindi kaalyado sa nakaupong gobernador,” pahayag ni PCSO Chairman Judge (Ret.) Felix Reyes sa panayam nitong Martes.

“Nakapag-distribute na tayo ng 225 units (ambulances) and another 375 units are now being processed for distribution,” Reyes added.

“Naglaan na rin tayo ng budget para sa 1,000 units na ipapamahagi sa susunod na taon,” dagdag pa ni Reyes.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, kinilala ng PCSO ang panga­ngailangang dalhin sa pinakamalapit na ospital ang mga maysakit na pasyente mula sa mga lalawigan ng isla,” ani Reyes.

Binanggit niya na ang Pilipinas ay isang archipelagic nation, ibig sabihin, ang bansa ay binubuo ng 7,100 isla (high tide) at 7,107 islands (low tide).

Ayon kay  Reyes,  sa susunod na taon (2026), ang PCSO ay kukuha ng inisyal ng limang sea ambulances na ipapamahagi sa mga kuwalipikadong island provinces.

Nasa proseso na ngayon ng PCSO ang pagsasapinal ng terms of reference sa pakikipag-ugnayan sa MARINA (Maritime Industry Authority).

ELMA MORALES