(PCSO nagpasaklolo sa Kamara) DOCUMENTARY STAMP TAX PABABAIN

tax

NAGPASAKLOLO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para mapababa ang binabayaran nilang documentary stamp tax sa ilalim ng CREATE Law.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, hiniling ni PCSO Chair Anselmo Simeon Pinili na tulungan sila ng mga kongresista na ma-rationalize ang binabayaran nilang 20% documentary stamp tax.

Mula, aniya, nang maideklara ang public health emergency sa bansa ay bumaba ang ticket sales ng PCSO na nakaapekto sa kanilang pino-pondohang charity funds.

Ayon kay PCSO-Legislative Liaison Officer Atty. Gay Alvor, hindi na sila makagalaw dahil nagsama-sama ang mga batas na nagbibigay sa PCSO ng mataas na buwis.

Ani Alvor, katunayan ay 17 ang batas na nag-oobliga sa PCSO ng funding support.

Giit ni Alvor, mahalagang marepaso ang mandatory contributions ng PCSO dahil lumalawak din ang mga malasakit center na sinusuportahan ng ahensiya na aabot na sa 123.

Bukod sa COVID-19 response ay nakatuon pa rin ang funding at medical support ng PCSO sa hospitalization ng non-COVID cases tulad ng dialysis, surgery, chemotherapy at iba pang sakit na nakaangkla sa Universal Health Care Act.

Umaasa ang PCSO na matutulungan sila ng Kamara na makagawa ng hiwalay na batas para maibalik muli sa 10% mula sa kasalukuyang 20% ang kanilang binabayarang documentary stamp tax.

Pinabubuwag din ng PCSO sa Kamara ang mandatory contribution sa ahensiya na hindi health-related.

Mula sa P44 billion revenue ng PCSO noong 2019, dahil sa magkakasunod na lockdown ay bumaba ito sa P18.6 billion noong 2020 at hanggang June 30, 2021 ay umabot naman sa P19.61 billion ang ticket sales o kinita ng PCSO. CONDE BATAC

69 thoughts on “(PCSO nagpasaklolo sa Kamara) DOCUMENTARY STAMP TAX PABABAIN”

  1. It’s hard too come by well-informed people about thi subject, but you sound lijke yoou know what you’re takking
    about! Thanks

  2. 201463 188671Your article is truly informative. A lot more than that, it??s engaging, compelling and well-written. I would desire to see even much more of these types of great writing. 586606

  3. I ike thhe hekpful information you provfide inn your
    articles. I’ll bookmark yoiur weblog annd check again here regularly.

    I am quiute sure I’ll learn mmany neew stuff right here!
    Best of lucxk for thee next!

Comments are closed.