SA ginanap na press conference kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), iniulat ni vice chairperson at general manager Royina M. Garma ang accomplishments report ng ahensiya para sa taong 2020.
Sa ulat ni GM Garma, nakapag-generate ng P18.63 bilyon noong 2020 mula sa “mga larong may puso” ng PCSO. P6.8 bilyon ay nagmula sa Lotto; P5.1 bilyon ang nagmula sa Digit Games; P5.7 bilyon ang nakuha ng Small Town Lottery; P407 milyon naman ang nakuha ng Keno at P522 milyon ang nanggaling sa Sweepstakes.
Sa kabila ng kawalan ng kinita sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic mula noong Abril 1 hanggang June 30, 2020, naibigay pa rin ng PCSO ang kanilang commitment sa local government units (LGUs) ang kanilang kontribusyon mula sa sa kinita nito kung saan matatanggap ng LGU ang portion ng total sales na nakuha ng lahat ng PCSO game outlets sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Mahigit P211 milyon ang nai-release sa iba’t ibang LGUs at GOs noong December 2020. Kabilang ang Maynila sa nakakuha ng mataas na kontribusyon mula sa PCSO na mayroong 7.4 milyong piso. Mayroon namang nakuhang 3.8 milyong piso ang Caloocan at Quezon City naman ay makatatanggap ng 12.5 milyong piso.
Nakapag-contribute naman ang PCSO 1.6 milyong piso para sa mga buwan ng March at September 2020 sa National Bureau of Investigation at mahigit 122 libong piso naman ang naibahagi sa Philippine National Police para sa September 2020.
Mula pa rin sa 18.631 total generated sales, nakapagbahagi rin ang ahensiya ng pondo sa iba pa nitong mga programa. Nakapagbigay ang PCSO ng 1.8 bilyong piso para sa Medical Access Program para sa chemotherapy, dialysis, hospitalization, hemophilia at post-operation treatments.
524.4 milyong piso ang inilaan para sa calamity assistance program upang matulungan ang mga biktima ng Taal Volcano eruption at tatlong malalaking bagyo na Quinta, Rolly at Ulysses at maging ng mga biktima ng Covid-19.
Sa kanila namang Corporate Social Responsibility (CSR), nakapagbigay ng tulong ang ahensiya sa mga indigent at marginalized communities at sa iba pang naapektuhan ng mga kalamidad. Umabot sa 29,884 indibidwal ang naabutan ng tulong mula sa kanilang mga CSR activities na nagkakahalaga na 21.73 milyong piso.
“All our accomplishments would not have been possible without thw trust and support of all our gaming clients and partners. Considering that the vaccine is already available in other countries with a handful in the Philippines, and it may still take a while before the entire population is vaccinated, the PCSO shall not rest in providing essential and medical assistance to our countrymen especially for indigent Pinoys. Thank you very much,” pahayag ni GM Garma. CRIS GALIT
Comments are closed.