ALINSUNOD sa layunin na maging isang ahensiya na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao, nangako ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy nilang pananatilihin na bukas ang kanilang mga linya para sa publiko.
“Ang PCSO ay narito para tumulong at makinig sa ating mga kababayan. Our people can trust that we will continue to keep our lines open to the public for any concerns regarding the agency,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.
Ibinida rin ni ni Cua ang nakuhang “stellar record” ng PCSO mula sa kanilang customer feedback mechanisms noong nakaraang taon.
“We employ various methods to generate and act on external feedback, such as inquiries, complaints, suggestions, as well as commendations/compliments made to PCSO,” ani Cua.
Kabilang aniya rito ang 8888 hotline system ng Office of the President, online feedback, at ang opisyal na PCSO social media accounts.
Binanggit din ni Cua na nakamit ng ahensiya ang 100 porsiyentong resolution rate para sa mga tawag sa 8888 Hotline, nasagot at niresolba ang 5,021 concerns/reklamo na natanggap nito mula Enero hanggang Disyembre 2022.
Sumagot din ang PCSO sa 98 porsiyento ng online na feedback na natanggap noong 2022, na ang natitirang dalawang porsiyento (o 31 concerns) ay tinukoy sa kani-kanilang mga yunit.
“We also actively engage the public through our social media accounts and through the PCSO Games Hub,” ani Cua.
“We are one with Pres. Ferdinand Marcos, Jr.’s desire to bring the government closer to the people. Ang nais namin, kapag nabanggit ang PCSO ay naiisip na kami ay ahensyang pinakikinggan at inaaksyunan ang hinihinging tulong ng mga kababayan natin,” dagdag pa ni Cua.