NAGPOSITIBO rin sa COVID-19 si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva.
Mismong si Villanueva ang nag-anunsiyo ng balita sa kanyang Facebook account.
Ayon kay Villanueva, sumailalim siya sa RT-PCR test sa Chinese General Hospital nitong Sabado bilang requirement sa pagdalo nito sa Senate hearing ngayong Lunes.
Aniya, Linggo ng umaga ay natanggap niya ang resulta ng pagsusuri na positibo siya sa virus.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taong nakahalubilo niya nitong mga nakalipas na araw at pinayuhan silang magsagawa ng kaukulang pag-iingat.
“This morning, I received the result. I tested positive and I’m sorry to all the people that I had close contact for the past days. Please take necessary precaution,”ani Villanueva.
Tiniyak naman ni Villanueva na sasailalim siya sa isolation hanggang sa tuluyan na siyang maging negatibo sa virus. EVELYN GARCIA
Comments are closed.