PDEA CHIEF PUMALAG SA AKUSASYON NI ACIERTO

General Aaron N. Aquino

“I AM NOT Michael Yang’s protector”

Ito ang galit na pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron N. Aquino sa umano’y walang katotohanan at malisyosong alegasyon ng sinibak na police  official na si Eduardo Acierto na siya ay protector ni  Michael Yang, ang dating presidential economic adviser na inaakusahang sangkot sa illegal drug trade.

“Acierto’s claim that I am a protector of Michael Yang is a blatant lie. His accusation is completely baseless,” ani Aquino

Paano niya nasabi na ako ay protector gayong agad kong isinumite ang sinasabing intelligence report ni Acierto sa  Malacañang? Ako rin ang nagpasimula sa imbestigasyon sa mga aktibidades ni Michael Yang sa unang araw pa lamang mula ng matangap ko ang nasabing report. Katunayan hanggang ngayon ay nangangalap pa rin ng mga impormasyon ang aking Regional Directors hinggil sa kanya (Michael Yang),” ayon kay Aquino.

Si Acierto ay kasalukuyang nagtatago nga­yon at nahaharap sa kasong criminal dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpupuslit ng bulto bultong shabu na nadiskubre sa loob ng magnetic lifters.

Malinis ako, malinis ang aking konsensiyal. Kaya kong humarap saan man para linisin ang aking pangalan hinggil dito. Bukas ako sa anumang imbestigasyon ng iba pang law enforcement agencies o investigating bodies,”  pahayag pa ng pinuno ng  PDEA. VERLIN RUIZ

Comments are closed.