PDEA HINAMON NG MEDIA GROUP: PANGALANAN ANG MEDIA NA SABIT SA DROGA

npc

HINAMON ng National Press Club (NPC) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pangalanan ang sinabing mga media-man na kabilang sa high value target sa ile­gal na droga.

Kamakalawa ay  inihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na  ilang taga-media, artista, kongresista ang kasama sa HVT sa war on drugs ng gobyerno.

Hindi  bilang user kundi bilang protektor  ng  sindikato  droga ang sina­sabing papel ng ilang malalaking pangalan sa media.

Ayon kay NPC President Rolly ‘Lakay’ Gonzalo, dapat ilabas ang pangalan ng mamamahayag na sinasabing listahan ng HVT.

Ayon kay Gonzalo, hangga’t hindi  pinapa­ngalanan ang mga media ay lahat ng miyembro ng media ay suspek.

Sakali naman  na  mapatunayan na sangkot sa ilegal na droga ang isang mamamahayag na mi­yembro ng NPC ay kanila itong tatanggalin.

Sinabi pa ni Gonzalo na mahalaga  na malinis ang hanay ng media, hindi lamang sa NPC, kundi sa iba pang mga media company.

Nagsasagawa na rin ang NPC ng random drug testing sa kanilang mga miyembro upang matiyak na drug-free ang kanilang organisasyon.

Comments are closed.