PDEA NAGBABALA SA VAPES NA MAY TAGLAY NA MARIJUANA OIL

NAGPALABAS ng babala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkalat ng mga electronic cigarettes na naglalaman ng marijuana oil.

Ayon sa pahayag ng PDEA na natuklasan lamang ito matapos na makakumpiska ang kanilang mga operatiba ang ilang e-cigarette at vapes na may laman na marijuana oil.

Dagdag pa ng PDEA na ang mga ito ay illigal at nagdudulot ng pangamba sa kalusugan.

Dahil dito, dinoble ng PDEA ang pagbabantay at nakipag-ugnayan na sila sa ibang mga ahensiya para makumpiska at makasuhan ang mga nagbebenta ng nasabing vape at e-cigar na nagtataglay ng marijuana oil. EVELYN GARCIA