PDEA PERSONNEL NA DUMAAN SA EDSA BUSWAY ‘DI KUKUNSINTIHIN

TINIYAK kahapon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nahuling dumaan sa EDSA Busway kahapon.

Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director III Laurefel P. Gabales, “The Agency will not condone such action. An Internal investigation is underway, and rest assured that administrative sanctions awaits the violators.”

Nabatid na sinita at tinikitan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan ng PDEA na dumaan sa EDSA Busway nitong Martes ng umaga.

Ayon sa report ng SAICT, natiketan din ang ka-convoy nitong motorsiklo na pag-aari rin ng PDEA bukod pa sa pekeng lisensya na dala ng driver at wala rin itong dalang rehistro ng sasakyan.

Aminado naman ang driver na dumaan sila sa busway dahil bahagi sila ng  anti illegal drug operation subalit hindi tinanggap na sapat na dahilan ito ng Department of Transportation (DOTr) at SAICT.

Ipinasa na ng SAICT ang kaso sa Land Transportation Office (LTO) para mag-issue ng Show Cause Order at hingin ang paliwanag ng driver at mga kasamahan nito ukol sa nasabing paglabag.

VERLIN RUIZ