PDEA PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA PAGBILI NG CHINESE MEDICINE VS COVID-19

CHINESE MEDICINE

NAGBABALA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na huwag bilhin ang Chinese medicine na Lian Hua Qing Wen  na ginagamit sa  China na panlunas sa COVID-19.

Inihayag ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon na ilang indibidwal ang nagbebenta ng naturang gamot sa online at sa black market.

Ayon kay Carreon, ang naturang gamot ay may taglay na ephedra, na isang plant-based substance na klasipikado bilang mapanganib.

Hindi rin ito aniya dapat binibili nang walang kaukulang reset a  mula sa mga doktor na mayroong PDEA dangerous drugs license.

Babala pa ng tagspagsalita, ang sinumang mahuhuling magbebenta at bibili ng naturang gamot nang walang pahintulot ay maaari maharap sa kaso at karampatang kaparusahan sa ilalim ng batas.

Ang Lian Hua Qing Wen ay ginagamit bilang gamot sa  mild to moderated COVID-19 cases sa China.

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) sa Filipinas  ang paggamit ng naturang Chinese medicine bilang isang herbal product lamang na makatutulong sa pagtatanggal ng heat-toxin invasion sa baga, kabilang ang sintomas nito gaya ng lagnat, pananakit ng kalamnan, ubo at sipon, at hindi bilang COVID-19 treatment.

Comments are closed.