PDEA, PNP, DOT NAGSANIB VS DRUG TRAFFICKING SA TOURIST SPOTS

PINAGTIBAY sa pagitan nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos at Department of Tourism (DOT) Undersecretary Woodrow Maquiling, Jr. ang isang Memorandum of Agreement (MOA) upang palakasin ang anti-drug campaign ng pamahalaan sa mga sikat na tourist destinations sa bansa.

Layon ng naturang hakbang na makapagtatag ng assistance at complaint desks sa iba’t-ibang tourist spots upang masawata ang mga kaso na may kaugnayan sa drug trafficking at mapalakas ang law enforcement at mapaghusay ang tulungan ng mga tagapagpatupad ng batas at tourism sector.

“The MOA will establish the PDEA Tourism Operation Protection Against Illegal Drugs (PDEA TOP AID), which is a program intended to intensify anti-drug efforts in areas with high influx of tourists and travelers,” saad ni Vilanueva.

Isinagawa ang kasunduan kasunod na rin ng pagluluwag sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan unti- unti dinadagsa na ng local at foreign tourists ang mga pangunahing tourist spots kung saan karaniwang sinasamantala ng drug trafficking groups na karamihan sa mga gumagawa ay mga dayuhang turista.

“We want to promote the Philippines as a tourism destination, hand in hand with the DOT, as this is good for bringing in much needed revenue and to create livelihood opportunities for our local communities, but we want to make it clear that recreational drug-tourism has no place in the Philippines,” dagdag pa ng PDEA chief.

Nabatid na katuwang din ng PDEA ang mga may-ari at asosasyon ng hotels and resorts sa iba’t ibang panig ng bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.