POSIBLENG pinaglaruan ng sindikato ng droga ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) matapos magkabarilan ang mga ito sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.
Gayunpaman,ayaw na munang magbigay impormasyon ng pamunuan ng PDEA at PNP sa totoong nangyari sa drug operation sa Commonwealth, Quezon City na nagresulta sa barilan ng mga pulis at PDEA agents na ikinamatay ng dalawang pulis, isang PDEA agent at isang civilian informant ng PDEA.
Sa isinagawang Joint PNP-PDEA press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PDEA Director Wilkins Villanueva at PNP Chief General Debold Sinas na nagpapatuloy ang pagkuha ng mga ebidensya.
Sinabi ni Villanueva, magiging maingat sila pagkuha ng mga ebidensiya at impormasyon para matukoy kung sino ang may pagkakamali at dapat na managot.
Gayundin, aniya sa pagbibigay ng impormasyon dahil posibleng nakamonitor ang mga sindikato ng droga kung totoo man na pakana nila ang nangyari sa mga pulis at PDEA agents.
Ayon kina Villanueva at Sinas, nais nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang pulis, isang PDEA Agent at isang civilian informant ng PDEA kaya masusi nila itong iimbestigahan.
Pinabubulaanan naman ni Villanueva na may nangyaring sell bust operation sa insidente.
Sa ngayon,nasa restrictive custody ng PNP CIDG ang sampung pulis at pitong PDEA agents na direktang nasangkot sa buy bust operation. REA SARMIENTO
‘SELL-BUST’ ITINANGGI NG NCRPO
NILINAW ni PNP-National Capital Regional Police Office Director, P/Maj Gen Vicente Danao na walang sell bust na nangyari sa naging madugong engkuwentro sa pagitan ng PDEA at PNP.
Sa isang live interview matapos ang naganap na shootout o misencounter, inihayag ni Danao na ang lahat ng posibleng dahilan o anggulo ay kanilang sisiyasatin at walang magaganap na ‘whitewash.”
Gayunpaman, hindi inaalis ni Danao na posibleng isa sa law enforcement team ang gumamit ng maling pamamaraan at ito ang tututukan ng pagsisiyasat .
Binigyang diin pa ng NCRPO Chief na tiyak na may mananagot, sinuman o kung totoo man na mag nagsagawa ng “ sell bust.”
Gayundin, sinabi ni Danao na bawal ang nasabing sistema na kabaligtaran ng buy bust operation kung saan hindi magdadala ng pera ang mga awtoridad at sa halip ay mag-aalok sila ng droga na ibebenta saka nila huhulihin.
“Walang sell bust, kung ako ang tatanungin ninyo ikaw ang ka sell bust ko kahit pulis o PDEA ka papatayin kita. Basta yung sell bust po walang sell bust . . All investigated cases bawal po yan. magtanong kayo sa mga taga region wala po . “Patay kayo sa akin walang sell bust bawal yan,” diin ni Danao. VERLIN RUIZ
73869 977898my grandmother is always into herbal stuffs and she always say that ayurvedic medicines are the most effective stuff 219765