PDL GRADUATES

128 na babaeng Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Quezon City Female Jail Dormitory ang nagsipagtapos sa elementary at junior high school sa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS).

Ginanap ang graduation at moving up ceremonies nitong Lunes kung saan 32 female PDLs ang nagtapos ng elementarya at 96 naman sa junior high school.

Ang programa ay naisagawa sa pangunguna ng BJMP QC Female Dorm, QC Schools Division Office – ALS Program, katuwang sina Mayor Joy Belmonte, QC Gender and Development Council at ng No Woman Left Behind Program.

Isa lamang ang ALS sa iba-ibang oportunidad para sa QCitizens na nais ipagpatuloy ang pag-aaral upang makamit ang kanilang mga hangarin sa buhay. JONAH ART SON