PDLs SA DRUG-RELATED CASES ILILIPAT SA MINDORO

NAKATAKDANG ilipat sa tinaguriang SuperMax facility ang persons deprived of liberty (PDLs) na nahatulan sa iligal na droga sa buong Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor)bunsod ng direktiba ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin ang “bloodless drug war” ng administrasyon.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ang mga hinatulan ng may kinalaman sa droga ay dadalhin lahat sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPFF) sa Mindoro upang mapatigil ang problema sa illegal drugs.

“Our initiative, guided by Justice Secretary Crispin Remulla and aligned with the campaign of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla to cut off the supply chain of illegal drugs, will be focused, hardened, and robust,” ani Catapang.

Ang mga inmate na hinatulan sa kasong droga mula sa iba’t ibang prisons at penal farms ay ililipat sa SPPF kung saan nakatayo ang SuperMax facility.

Nasa 200 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang nakabantay sa SPPF.

Ayon kay Catapang, ang mga correction officers na nakatalaga sa SPPF ay isasailalim sa kada linggo na rotation para hindi maging malapit sa mga PDL.

Nabatid na mula Hul­yo ng nakaraang taon ay sinimulan ng ilipat sa SPPF ang mga high-profile inmates mula New Bilibid Prison.

Sa kasalukuyan ay nasa 246 high-profile PDLs na sangkot sa illegal drug trade ang nakapiit sa SPPF kabilang ang 134 Chinese, pitong Hong Kongese, 20 Taiwanese, isang Canadian, dalawang Iranians, tatlong Koreans, isang Nigerian at 78 Filipinos.

EVELYN GARCIA