BAGAMAT sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) Party tatakbo si Sen. Bong Go bilang Pangulo para 2022 national election ay siya pa rin ang inendorso bilang Presidential candidate ng PDP-LABAN matapos iatras ni Sen. Bato Dela Rosa ang kanyang kandidatura noong Sabado ng hapon.
Ayon sa opisyal na pahayag ng partido, “bitbit ni Senador Go ang malawak na kaalaman sa pamamahala dahil natutunan niya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at tanging siya lang ang tiyak na makapagpapatuloy ng mga proyekto at plano ng Pangulo”.
Sinasabing nagustuhan din ng Partido ang pagiging malapit ng senador sa mga ordinaryong Pilipino lalong lalo na ang mga mahihirap na patunay rito ang pagtatatag niya ng mga Malasakit Centers nationwide.
“Inaasahan din na si Senador Go lang ang makapagpapatuloy ng Build Build program ng Pangulong Duterte” anang isang opisyal ng PDP-LABAN.
Sinabi pa ng opisyal na tanging si Senador Go lang ang masipag at totoo sa kanyang kasabihan na “Bisyo ay magserbisyo”.