PDU30 BIBIGYAN NG KAPANGYARIHAN PARA SA ‘REALIGNMENT’ NG PONDO

Rep-Martin-Romualdez

PANGUNAHING tatalakayin sa isasagawang ‘special session’ ng Kamara de Representantes ngayong araw ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng ‘realignment’ sa pambansang badget para masiguro ang pagkakaroon ng pondong magagamit sa mga kampanya ng pamahalaan kontra Covid-19.

Ayon kay House Majority Leader at 1st Dist. Leyte Rep. Martin Romualdez, kabilang din sa nais matiyak ng lower house sa pagtugon nito sa kahilingan ng Punong Ehekutibo na magdaos sila ng sesiyon kahit nasa ‘Lenten break’, ay ang paglalaan ng pondo bilang pang-ayuda sa iba’tibang sektor na apektado sa pagkalat ng naturang sakit at sa ipinatutupad na enhance community quarantine.

“The House of Representatives, under the leadership of Speaker Alan Peter Cayetano, will hold a special session starting at 10 am tomorrow, March 23, in a rush to mobilize government resources needed by the Executive Department to help contain the spread of the coronavirus disease (COVID-19),” ang sabi pa ni Romualdez.

“Congress will be granting President Rodrigo Duterte the authority to specifically realign government funds for food, allowances to help the affected families, boost the medical requirements of the people and protection of those who are in the frontline especially our doctors, nurses and all medical personnel,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ni Speaker Cayetano na matapos ang kanilang pagpupulong sa Malakanyang noong Sabado ng hapon, na target nilang maglaan ng P200 bilyon, na gagamitin sa loob ng dalawang buwan, para ilaan sa iba’t ibang program na patungkol sa Covid-19.

Nilinaw naman ni Cayetano na ang kukuning P200-B o mapapasailalim sa budget realignment ay hindi makaaapekto sa iba pang mahahalagang programa at proyekto na ipatutupad ng Duterte administration partikular sa ilalim ng 2020 national budget.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang nasabing pondo ay kukunin mula sa ‘non-budgetary sources’, na walang kaugnayan sa ‘Build, Build, Build’ program at mga economic program ni  President Duterte, kabilang ang paglalayong lutasin ang kahirapan sa bansa. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.