MAYNILA – HINARAP at kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nakulong sa Bahrain bunsod ng pagpaslang nito sa isang Pakistani sa nasabing bansa.
Batay sa pahayag ng Malacañang, inestima at pinangunahan ng Pangulo ang send off ni Roderick Aguinaldo sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Ang mga magulang ni Aguinaldo, misis at dalawang anak ay nagtungo sa Bahrain kahapon para bisitahin ang OFW na tatlong taon nang nakakulong.
Makaraan ang send-off sa pamilya Aguinaldo ay tumulak sa Leyte ang Pangulong Duterte para naman sa distribution ng benepisyo sa mga dating rebelled. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.