PDU30 TODO-SUPORTA KAY EX-DFA SEC. CAYETANO

DUTERTE-CAYETANO

BUO ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Fo­reign Affairs Secretary Alan ­Peter Cayetano sa pagtakbo nito sa ­Kongreso at sa pagiging susunod na House Speaker.

Itinaas ni Pangulong Duterte ang kamay ni Cayetano sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Kalihim noong nakaraang Linggo sa Marco Polo Hotel sa Davao City.

Ang ginawa ng Pangulo ay indikasyon na 100 porsiyento ang tiwala niya kay Cayetano na tatakbong congressman sa unang distrito ng Taguig sa darating na halalan at sa matunog na balita na ito na ang susunod na House Speaker.

“I hope that as a congressman, he will continue his work for the sake of the Filipinos working abroad,” wika ni Duterte.

Nang tanungin kung ano ang maitutulong ni Cayetano sa administrasyon bilang House Speaker, pinuri ni Duterte ang mga magagandang nagawa ng dating kalihim sa Department of Foreign Affairs na sigurado umano siyang gagawin din ni Ca­yetano sa Kongreso.

“He will do a great job [as a House Speaker] as he did as a Foreign Secretary. Mahusay si Alan. He understands the problem,” dagdag pa ni Duterte na sinabing palaging handang tumulong si Cayetano sa kanyang bayan at sa lahat ng Filipino.

Totoo nga namang napatunayan ni Secretary Alan ang kanyang husay sa kanyang pamamahala sa DFA. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, hindi mabilang na reporma ang naipatupad sa ahensya kagaya ng pagpapaiksi ng oras ng pag-aantay sa pagbibigay ng pasaporte.

Napaikli rin ang proseso ng pasaporte, mas napaikli na rin ng ahensiya pag-aantay ng mga aplikante na makakuha ng online appointment slots, e-payment scheme at ang pagbubukas ng mahigit na 10,000 slots simula 12 noon at 9 p.m., Lunes hanggang Sabado maliban sa holiday.

Umangat din ng 19.38 porsiyento ang issuance ng pasaporte mula sa dating 1.89 porsyento noong 2015-2016 at 0.54 percent noong 2014-2015, naglunsad din ng e-payment portal, paglunsad din ng Passport on Wheels (POW), pagbubukas ng consular offices sa Ilocos Norte at Isa­bela noong Mayo, patuloy ang trabaho kahit Sabado sa Aseana na sinimulan pa noong February 10, 2018 at nakapagsilbi na sa 45,000 applicants. Kinansela rin ng DFA ang mga pekeng appointment.

Inaresto at kinasuhan ang mga fixer. Nakahuli na ang PNP at NBI ng mahigit 27 suspected fixers at sinampahan na ng kaukulang kaso kung saan dinidinig na ang mga kaso sa korte.  PILIPINO Mirror Reportorial Team               

Comments are closed.