IPINAGMALAKI ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-angat sa antas ng kanilang pagresolba sa mga krimen .
Sa datos na ibinahagi ng PNP sinasabing tumaas ang solution efficiency sa lahat ng uri ng krimen base na rin sa kanilang crime management data.
Sinasabing sa unang quarter ng 2023, naresolba ng PNP ang 81,185 krimen mula sa kabuuang crime volume na 92,774.
Kumakatawan ito sa 87.51%crime solution efficiency na one percent improvement mula sa 86.11% crime solution efficiency kumpara ng nakalipas na taon .
Lumilitaw din na ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng krimen sa bansa na halos mahigit 30 porsyento ng kabuuang total number of crime incidents.
Subalit, ang Metro Manila rin ang nakapagtala ng most efficient crime solution sa bansa na nasa 92.58 percent kung saan sinundan ito ng Region 4A, at Central Visayas.
Ang Non-index crimes tulad ng illegal drugs, reckless imprudence resulting to damage to properties or homicide, violence against women and children and child abuse ang nangunguna sa pinakamaraming kaso na naitala ng PNP o 38,136 incidents.
Habang ang index crimes, o offenses against persons and properties ay umaabot naman sa 8,671 incidents sa unang quarter ng 2023.
VERLIN RUIZ