PEACE AND ORDER SITUATION SA NEGROS ORIENTAL NORMAL NA

NEGROS ORIENTAL

PINAG-AARALAN na ng Philippine National Police (PNP) kung kanino nila ibibigay ang P5 milyong  reward ni Pangulong Rodrigo Duterte sa makadarakip sa brutal na pumaslang sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon noong isang buwan.

Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, hindi tinatantanan ng mga elemento ng Police Regional Office 7 ang pagtugis hindi lamang sa mga suspek sa pagpatay sa apat na pulis kundi maging sa iba pang kaso ng patayan sa lugar

Kasunod nito, sinabi ni Banac na kung susuriin aniya nila ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan, masasabing nakabalik na sa normal at tahimik na muli aniyang namumuhay ang mga taga roon.

Magugunitang Hul­yo 19 nang maaresto ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa apat na pulis na kinilalang si Victoriano Anado Jr. at nasampahan na ng kasong murder.

Nitong weekend naman naaresto ang dalawa pang suspek na sina Edmar Amaro at Jojo Torres dahil naman sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition. EUNICE C.

Comments are closed.