September ang idineklarang National Peace Consciousness Month, ngunit August pa lamang ay inihahanda na ito.
Kamakailan lamang, pinangunahan ni Secretary Carlito G. Galvez, Jr. Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang flag raising ceremony sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) bilang panimula ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month na may temang: “Kapayapaan: Responsibilidad ng Bawat Mamamayan.”
Ngunit ano nga ba ang kapayapaan? Nag-interbyu kami ng isang pamilyang nakita naming nagpapalipas ng oras sa tabing dagat upang malaman ang depinisyon nila ng kapayapaan o peace.
Ayon kay Rosita Carcillar, 69-year old lola: “Pag wala kang stress, at meron kang sense of security, at kalmado ang kalooban mo na walang mangyayaring away, lahat, magkakasundo, yan ang peace. Sa edad kong ito, ubos na ang lakas ko sa problema. Pero may problema pa rin ako, ang ate kong matandang dalaga. Hindi ko siya nakasama ng matagal. Nagtrabaho siya sa mga Chinese sa napakatagal na panahon bilang yaya, pero ngayong matanda na siya, pinipilit nilang ibigay sa akin dahil kapatid ko raw. Oo, pero sakitin na rin ako at alagain. At si Ate, sa tagal ng paninilbihan sa kanila, wala man lamang SSS pension. Hindi ba mandatory yon? Iyan ang pinagmumulan ng stress ko ngayon, kaya masasabi kong wala pa ring peace sa buhay ko.
Ayon naman kay Mardavey: “Peace is a human disposition. Gusto mo ng kapayapaan, huwag kang mag-isip ng ikaka-stress mo. Sabi nga nila, make love not war. Pero kahit anong problema ang dumating, basta niyakap ako ng anak kong si L. A., nawawala lahat ng stress ko.”
Para naman sa kakakasal pa lamang na si Mark, “Lahat tayo, nagnanais ng tahimik na buhay. Peace is something we all wish for as it allows us growth and prosperity in life. A society without peace cannot survive for long and there will always be disputes between people,” sabi pa niya.
Para naman kay Kim, asawa ni Mark, “Pag walang problema, conflict o sakitan, peace ang tawag dun. Kaya lang, sino bang tao ang walang problema? Habang nabubuhay tayo, may darating at darating na problema, kasi, buhay pa tayo.”
Tahimik lamang si Diana at akala ko’y walang sasabihin, ngunit nagpa-unlak din siya ng kanyang pananaw.
“Ang peace po, it exists on various levels, including personal, interpersonal, societal, and international. Gusto natin ng tahimik ba buhay, dapat, matuto tayong umunawa. Hindi pare-pareho ang tao. Pero lahat, importante. Lahat, may karapatang sabihin kung ano ang laman ng kanyang puso at isip, in a nice way. Sabi nga nila, it’s not what you say, but how you say it.”
Napakahirap i-define ng katagang peace. Pero ang peace, nanggagaling iyan sa puso. On a personal level, para makamit ito, dapat ay may inner calmness and contentment ang isang tao. Sa madaling sabi, makuntento ka kung ano ang meron ka.
On a personal aspect uli, hindi ko iniisip ang away sa Kalayaan Shoal, ang corruption, kawalan ng trabaho, discontent, kahit pa ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan. Siguro, dahil naniniwala akong lahat ng itan ay kaloob ng Diyos. Hindi mananalo ang pangulo kung hindi siya pinili ng Diyos — tulad ni King Saul, King David at King Solomon. Hindi mamamatay ang tao kung hindi pa niya panahong mamatay. Pero para ma-achieve ang at ma-maintain ang peace, dapat ay nagkakasundo ang lahat — na napakahirap gawin sa panahong ito. Sabi ni Mahatma Gandhi, ‘If you want real peace in the world, start with children.’ Ang mga children ngayon, pati problema ng digital world, siniseryoso. Napakaraming taong nagnasa ng tinatawag nilang ‘true peace’ pero lahat sila ay nabigo — dahil wala naman talaga nito, liban na lang kung patay ka na.
Nag-establisa ng diplomatic relations ang mga bansa para raw ma-maintain ang kapayapaan sa international level. May nangyari ba? Nagkakagiyera pa rin — dahil sa kasakiman.
Lahat tayo ay nangangarap ng free-will life. Buhay, kung saan nakukuha natin at natutupad ang mga mithiin sa buhay. Totoo, napakahalaga ng peace sa bawat tao at bansa. Pero collective effort ang kailangan upang makamit it.
NENET VILLAFANIA