IDINAOS ang peace concert ng 4th Infantry Division, Philippine Army upang gunitain ang kabayanihan ng kanilang mga kasamahang sundalo sa unang taon ng Marawi siege.
Ang ‘peace concert’ ay isinagawa sa Kiosko Kagawasan, Divisoria na sakop ng nasabing lungsod.
Ayon kay 4th Civil Military Operations Battalion Commanding Officer Col. Frank Molina, ang nasabing concert ay bilang pagkilala sa mga namatay nilang kasamahan na ilang buwan na nakipagbakbakan sa mga teroristang Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Marawi City at sa mga nabiktima ng giyera.
Sa record, nasa 168 na government troops ang namatay sa limang buwan na bakbakan sa Islamic City.
Umabot naman sa mahigit 800 ang sugatang sundalo na dinala sa Camp Evangelista Station hospital kung saan limang beses silang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte. EUNICE C.
Comments are closed.