BARMM- NAKATUTOK ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa peace development na bahagi ng priority program ng pamahalaan.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., suportado nila ang priority programs ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Ito ay matapos samahan ni Brawner ang Pangulo sa pagbisita sa Tawi-Tawi kung saan tiniyak ng Pangulo ang prayoridad ng pamahalaan ang “inclusive governance” at “sustainable development” ng probinsya.
Nakipagdiyalogo ang Pangulo kasama sina Brawner at iba pang mga opisyal ng AFP sa mga lokal na pinuno at kinatawan ng mga komunidad para maglatag ng mga solusyon sa mga mahahalagang isyu.
Binigyang diin ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad na ang pagbisita ni Marcos sa Tawi-Tawi ay patunay na suportado ng militar ang pagsusulong ng kapayapaan, nation building, socio-economic progress at ang kapakanan ng mga mamamayan.
EUNICE CELARIO