BENGUET – Nagsagawa ng peace rally ang ilang mamamayan ng Bauko, Mt.Province para paalisin ng militar ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kanilang lugar.
Sinabi ni Mayor Abraham Akilit, nagdudulot ng takot sa mga residente ang presensiya ng NPA sa kanilang lugar matapos ang nangyaring ilang engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga awtoridad kamakailan.
Sa katunayan, isinasailalim umano ngayon sa stress debriefing ang mga apektadong mga residente sa nangyaring labanan.
Sinabi pa ni Akilit na apektado na rin ang kanilang turismo matapos na pansamantalang ipagbawal ang pagtungo ng mga turista at mga magsasaka sa mga bundok at mga sakahan para sa kanilang kaligtasan. GELO BAIÑO
Comments are closed.