PEACE TALKS BINUKSAN MULI NI DIGONG

DUTERTE-35

MULING  binuksan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pinto para sa pakikipag kasundo sa mga komunista.

Gayunman, inilatag na kondisyon ng Pangulo ang pagbaba ng armas ng mga rebelde.

Ayon sa pangulo, nakahanda siyang ibigay agad sa mga rebelde ang 1/3 ng kanilang hinihingi.

Pinuna ng Pangulo ang malaking pondo na ginagastos sa bala at baril dahil sa mga labanan na ang target naman aniya ay kapwa Filipino.

Magsabi lamang aniya  ang mga komunista kung saan at handa siyang puntahan sila para mag-usap.      DWIZ882

Comments are closed.