PEACE TALKS DAPAT IKONSULTA SA MASA-AFP

sison-Lorenzana

KINASTIGO ni Defen­se Secretary Delfin Lo­ren­zana ang pagiging “spoiled brat” ni Communist Party of the Philippines-New People’s Army  founding chairman Jose Maria Sison.

Kasabay ng pahayag ng pamahalaan na balewala ang negatibong reaksiyon ni  Sison kaugnay sa pagpapaliban ng nakatakda sa­nang pagbabalik ng peace talks sa Hunyo 28.

Pahayag ng kalihim, umaastang “spoiled brat” si Sison na nagpapatunay na siya’y “out of touch” sa reyalidad.

Nilinaw pa ni Sec. Lo­renzana, imbes na maayos na makipag-usap sa go­vernment peace panel kung paano uusad ang peace talks, nagmamaktol pa ito at iniutos sa NPA na magsagawa ng mga pag-atake.

Reaksiyon ito ni Lo­renzana sa  paninisi sa pamahalaan ni Sison kaugnay sa muling pagpapabalam sa peace talks na nakatakda sanang umusad sa nasabing petsa.

Una rito, ay sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jess Dureza na kokonsultahin muna nila ang publiko kung pabor ba ang mayorya ng mga Pinoy na isulong pa ang peace process sa komunistang grupo.

Iginiit pa ni  Lorenzana na wala nang nakikinig sa kanya sa ground at patunay rito ang patuloy na pagsuko ng mga rebelde sa gobyerno para mamuhay ng payapa.

“Mr. Sison is acting like a spoiled brat, which he is, and proves that he is very out of touch with reality here. Instead of ratio­nally talking with our panel to discuss how to move forward the resumption of the peace talks, he goes into tantrum and orders the NPA to wage a people’s war.”

Sa panig ng Armed Forces of the Philippines, inihayag ni Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan na kaisa ng sambayanang Filipino ang Sandatahang Lakas  sa taimtim na hangaring magka-roon ng pangmatagalang kapayapaan sa  ba­yan na kinikilala ng mga mamamayan sa pangkalahatan.   VERLIN RUIZ

Comments are closed.