PEACE TALKS MULING NABALAM

Presidential-Adviser-Jesus-Dureza

HINDI na muna matutuloy ang balak na pagbabalik sa peace negotiations sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Hunyo  28.

Inianunsiyo ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na  sa  press briefing sa Malacañang na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa muna ng konsultasyon sa publiko at iba pang stakeholders bago bumalik sa negotiating table.

Naabisuhan na ang kabilang panig, gayundin ang Norwegian government na third party facilitator kaugnay sa desisyon ng go-byerno na itakda sa ibang pagkakataon ang pagbabalik sa pormal na usapang pangkapayapaan.

Hindi naman masabi ni Dureza kung bakit biglaang nagkaroon sila ng ganitong desisyon.

Tanging nasabi lamang nito na kailangang maging komprehensibo at tiyak ang bawat hakbang sa si-nasabing huling tsansa para makamit na rin ang kapayapaan sa mga rebelde para maiwasang maitulad ito sa unang bersiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na hindi agad naipasa ng Kongreso.     VERLIN RUIZ

Comments are closed.