PEACE TALKS OKAY PERO BAND AID SOLUTION LANG – ALUNAN

Alunan

WALA naman umanong problema kay dating Interior and Local Go­vernment Secretary Rafael “Raffy” Alunan III kung ipagpapatuloy ang lokal na usapang pangkapayapaan lalo pa’t naibabalik nito ang ­kaayusan partikular sa kanayunan.

Pero, naniniwala si Alunan na “band-aid solution” o pansamantala lamang ang pagsasagawa ng usapang pangkapayaan dahil mawawakasan lamang umano ang rebelyon kung magkakaroon ng mabuting pamamahala, responsableng mamamayan at nasusustenang pag-unlad.

“To the extent that it can win over hearts and minds, stop the bloodshed and restore normalcy in the rural areas, I will go for it. But the real solution to end the insurgency lies in good governance, responsible citizenship and sustainable development,” pahayag ni Alunan sa kanyang Facebook post.

Ayon kay Alunan ang unang dapat gawin ay i-reporma ang criminal justice system upang maging matibay ang pagpapatupad ng batas at mabilis ang paghahatid ng katarungan sa ating mga kababayan na magiging daan naman upang maibalik ang katatagan, pagtitiwala at kumpiyansa, at maipakita ng mga Filipino sa kanayunan ang kanilang pagiging malikhain at kakayahang makipagsabayan sa iba.

“Firm enforcement and swift justice from a reformed criminal justice system is the foundation necessary to restore stability, trust and confidence; and unleash the Filipino’s creativity and competitiveness in the countryside,” dagdag pa ni Alunan.

Ngunit, ayon kay Alunan, kaila­ngan na isang buong bansa ang magsusumikap at magtutulungan na magawa at maabot ang ganoong estado ng sistema sa paghahatid ng hustisya.

“That requires a whole-of-nation approach, whole of government and whole of society collaborating to end the intergenerational problems of poverty and injustice that have divided the Filipino people for decades,” ayon pa kay Alunan.

Comments are closed.