PEACE TALKS SA CPP-NPA POSIBLE PANG MABUHAY

Chief Peace Adviser Jesus Dureza

NANINIWALA  ang Office of Presidential Adviser on Peace Process na posible pang mabuhay at magpatuloy ang paudlot-udlot na usad ng isinusulong na peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista.

Sinasabing inatasan ng Pangulong Duterte ang tanggapan ng OPAP upang makipag-ugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines para ilatag ang kondisyon  ng Chief Executive.

Sinasabing nagtakda na ng mga kondisyon ang gobyerno ng Filipinas para sa resumption ng peace talks.

Sa isang statement, sinabi ni Chief Peace Adviser Jesus Dureza na isa rito ay dapat idaos ang usapang pangkapayapaan sa Filipinas.

Bukod sa local venue na mariing tinututulan ng CPP, dapat din na ihinto na ang pagkolekta sa tinaguriang revolutionary tax, at dapat na magkaroon ng ceasefire agreement.

Sinabi ni Dureza na ang mga kondisyon daw na ito ay nabuo sa kanilang command conference kamakalawa ng gabi sa Malacañang.

Gayunman,  maaa­ring isulong  ng  local government units ang localized peace agreements.

Bukas naman umano ang Department of National Defense sa panibagong development hinggil sa peace negotiation, katunayan hindi pa naman tuluyang pinapatay ang peace talks kaya  nag-utos ang Pangulo na iparating ang mensahe sa makakaliwang hanay.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.