HINDI dapat lumagpas ng P200 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan.
Ito ang sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura matapos ang muling pagbabadya ng pagsipa ng presyo ng
sibuyas.
Ayon kay Sinag Executive Director Jayson Cainglet, ang bultuhang anihan ng sibuyas sa unang bahagi ng 2023 ay tapos na.
Nabatid na ito ay dahil ang landed cost ng imported onions ay naglalaro sa P25 hanggang P40 kada kilo.
Sa ngayon, aniya, ang bentahan ng sibuyas direkta sa onion farmers patun- go sa mga trader ay mula P50-P100 kada kilo.
-DWIZ 882