PEDIGREE

SABONG NGAYON

SA PAGPAPALAHI  ng manok panabong,  dapat po tayo mismo ang nakakaalam kung anong  linyada ang nakapaloob sa materyales na gagamitin natin kaya napakahalaga ng recording at markings para masusubaybayan natin.

“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka diyan kasi walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality na linyada na  naaayon sa iyong panlasa at dapat kaya mong  ipaliwanag kapag may nagtanong ng bakit,” ang sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Kung nanalo na po kayo sa inyong  pamamaraan ay ituloy ninyo lang at huwag na baguhin pa. Dapat mag-set  ka talaga ng target at standard para kung anuman ang lumabas/offspring,  maganda or hindi maayos,  at least kursunada mo at wala kang sisisihin pa,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, mayroon  tayong kanya- kanyang criteria sa pagpili na gagamitin sa pagpagpapalahi kung sino dapat magkapares at iyon ay dapat nating irespeto kasi panlasa at diskarte niya  iyon.

“Para sa akin ay importante para maiwasan ang pagsabog ng quality ng isang linyada ay palaging  first choice ko ‘yung magkakulay ang paa, halimbawa dilaw sa dilaw, green sa green, white sa white etc. at pinaka- proven ko ‘yung yellow leg x green leg doon ako lamang sa panalo,” ani Doc Marvin.

“Dapat hindi maglalalayo ang hitsura nila physically pero siyempre,  mas maganda kung uniform hitsura nila kaya ang practice ko po ay limebreeding para ang magiging anak ay panlaban na, pang-breeding pa!” dagdag pa niya.

Dapat din, aniya, ay maging maingat sa pagpili ng ating ilalabang manok, siyempre ay piliin natin ‘yung pinakamagaling.

“Malaki na po ang gastos at pagod sa pag-aalaga ng manok panabong kaya dapat palagi maingat at isang pamamaraan ay facilities/paglalagyan muna bago ang manok para iwas-disgrasya kasi hindi naman puwede  sa pagmamanok ang walang nadidisgrasya,” ani Doc Marvin.

“’Yung manok na ingat na ingat mo at minamagaling ay kung bakit kalimitan siya  pa ang nadidisgrasya at iyon ay kailangan nating malampasan kasi kapag inisip mo nang inisip ay baka ikaw pa ang madisgrasya. Dapat po nakaayos ang lahat kasi patayan ang pupuntahan para walang dahilan,always group them according to age para alam mo ang bubunutin sa iyong lalabanan,” dagdag pa niya.

One thought on “PEDIGREE”

  1. 768166 663294Ive just been talking to Sean Gallagher about his upcoming Instant Income Cash Machine course, and hes been kind enough to fill me in on a few details regarding his upcoming course. 571178

Comments are closed.