‘PEDOPHILE’ ARESTADO SA NAIA

PEDOPHILE

PASAY CITY – NAARESTO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) ang isang pinaghihinalaang pedopilya na isang US citizen habang inaantay ang kanyang bibiktimahin na menor na babae.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula kay BI Commissioner Jaime Morente, nakilala ang suspek na si Piotr Kmita, 43-anyos, at nahuli sa entrapment operation ng awtoridad ilang minuto pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid na ang suspek ay dumating sa bansa mula sa Pudong, China.

Agad siyang  itinurnover  sa pulisya  habang dinala naman sa PNP women and children protection center (WCPC) sa Pampanga kung saan nakatira ang na-rescue na babae.

Sinabi ni Morente na kakaharapin ni Kmita ang kasong human trafficking dahil sa paglabag sa Republic Act 10364 o expanded anti-trafficking in persons, an act which penalizes the act of “procuring a child for prostitution and obtaining a person for the purpose of prostitution, pornography or sexual exploitation.”

Ayon kay Bienvenido Castillo, hepe ng BI-NAIA’s Border Control and Intelligence Unit (BCIU), nasakote itong suspek sa tulong ng US government’s Homeland Security Investigation (HSI), matapos madiskubre ng mga ito na nakikipag-usap sa batang babae na kanyang bibiktimahin sa pamamagitan ng Facebook.                  FROILAN MORALLOS

Comments are closed.