PEKENG BI EMPLOYEE HINAHANTING NG NBI

HINAHANTING ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng empleyado ng Bureau of immigration (BI) na nagpapakilalang Immigration hearing officer ng ahensiya.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na isang Atty. Lisa Perez Tubban.

Nakilala ang suspek nang maghain ng reklamo sa ahensiya ang isang estudyanteng Indyano o Indian national na nabiktima nito ng halagang P45,000 kapalit sa pagsasaayos ng student application visa nito.

Sa isinagawang imbestigasyon, nadiskobreng wala empleyado ng BI na nagngangalang Atty. Lisa Perez Tubban sa main office sa Intramuros, Manila.

Hinala ni Morente na gumagamit ang suspek ng pekeng pangalan na gamit ang profile picture ng isa sa kanilang contractual na empleyado upang makapangikil sa mga dayuhan.

Kaugnay nito, nagbabala si Morente sa publiko partikular na sa hanay ng mga dayuhan na iwasan makipag-transaction sa fi­xers at scammers bagkus personal na magtungo sa tanggapan ng BI.

At sa ilalim ng BI current rules, mga school representatives ang pinapayagan o authorized na mag lakad ng papel ng foreign students sa bansa. FROILAN MORALLOS

4 thoughts on “PEKENG BI EMPLOYEE HINAHANTING NG NBI”

  1. 583329 702969You could definitely see your enthusiasm within the function you write. The world hopes for much more passionate writers like you who arent afraid to say how they believe. Always go after your heart. 164795

Comments are closed.