PINAG-IINGAT ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang mga awtoridad sa posi-bleng paglipana ng pekeng Covid-19 vaccines sa bansa sa gitna na rin ng limitadong suplay ng bakuna.
Giit ng kongresista, kapag nagkukulang sa suplay ay kadalasang sinasamantala ito ng mga namemeke ng produkto.
Ipinaalala ni Herrera sa publiko na ang mga counterfeit COVID-19 vaccine ay delikado sa kalusugan at hindi makapagbibigay ng proteksiyon laban sa virus.
Sinabi rin ng lady solon na tungkulin ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at huwag mabiktima ang mga ito ng pekeng bakuna.
Umapela naman si Herrera sa Department of Health (DOH) at sa Food and Drug Administration (FDA) na sikaping makakuha ng abot-kaya, ligtas at epektibong COVID-19 vaccines ang mga Pilipino.
Dapat rin aniyang masunod ang guidelines kung saang mga lugar at aling sektor ang dapat mauna sa mabibigyan ng bakuna. CONDE BATAC
Comments are closed.