PEKENG ENDORSEMENT NG DFA TUTUTUKAN NG BI

Commissioner Jaime Morente-6

NAGLABAS na ng babala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na masusi nilang binabantayan ang mga sindikatong namemeke ng endorsement ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang makapasok sa bansa ang mga dayuhan sa gitna ng umiiral na ban dahil sa COVID 19.

Ang babala ay nag-ugat matapos na nakatanggap ng intelligent report ang BI na isang sindikato ang nagpaplano na gumamit ng pekeng DFA endorsement upang makapasok ang mga dayuhan sa bansa na hindi pa pinapahintulutan dahil sa COVID 19.

Matatandaan na noong Marso, 2020 ay pansamantalang sinuspinde ng DFA ang pag-iisyu ng  mga visa sa mga dayuhang papasok sa bansa bagaman exempted sa suspensiyon kung ito ay meritorious o humanitarian grounds.

“We have received intelligence reports with pictures that these syndicates are trying to falsify these documents to allow the entry of those currently restricted,” ani Immigration Commissioner Jaime Morente.

“Don’t even try.  We have a smooth verification process with other government agencies that makes it easier to confirm if the document you will present is a fake,” dagag pa nito.

Binanggit ni Morente, ang pagtatangka ng isang shipping agency na i-fake ang isang endorsement ng DFA pabor sa isang Marino na gustong makababa at tumira sa isang hotel imbes na sumunod sa kanyang outbound flight.

Dahil dito, sinuspinde ng DFA at BI ang pagpoposeso sa aplikante ng nasabing shipping agency at inilagay sa blacklist ang kumpanya para hindi makapag-transaksiyon sa ahensiya.

Sa kasalukuyan, tanging ang asawa at minor na anak ng isang Filipino ang pinapayagang pumasok sa bansa na may tourist visa. Pinapayagan din ang isang banyagang bata, banyagang magulang ng isang minor na Filipino na may special needs ang pwedeng pumasok sa bansa. PAUL ROLDAN

Comments are closed.