PEKENG ENGINEER TIKLO SA ENTRAPMENT

ARESTADO ang 28-anyos na pekeng engineer nang mabuking sa pekeng permit ng local government unit sa isinagawang entrapment operation sa lungsod ng Pasig kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Col. Roman Arugay, hepe ng PASIG-PNP ang nadakip na si Keremiah Orallo y Miembros, nasa gustong gulang, walang trabaho at nakatira sa No. 2-1 Westbank Road, Brgy., Maybunga sa lungsod nang biktimahin nito si Liz Ann Lantan,31-anyos ng #125 MH del Pilar St., Brgy., Sto. Tomas Pasig.

Ayon kay Major Jose Luiz Aguirre , chief ng intelligence, dakong ala-6:25 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa entrapment sa isang convenience store sa MH del Pilar kanto ng E. Angeles St. sa lungsod.

Nauna rito, sinabi ni Arugay na hiningan ng suspek na nagpakilalang engineer ang biktima ng P328,000.00 kapalit ng mabilisang proseso ng kanyang building permit sa Pasig City Local Government Unit (LGU).

Nagawa umano ng suspek ang kanyang pangako ngunit natuklasan ng biktima na peke ito at humihingi pa umano ng karagdagang bayad.

Dahil dito, humingi ng saklolo sa awtoridad si Lantan at nagkaroon ng validation sa Engineering Department ng Pasig at natuklasan na peke ang suspek at hindi nila ito empleyado.

Sa nasabing entrapment operation narekober sa suspek ang ginamit na marked money at nakatakda itong kasuhan ng ESTAFA o violation of ARTA (Fixing). ELMA MORALES

6 thoughts on “PEKENG ENGINEER TIKLO SA ENTRAPMENT”

  1. 149073 790640Great humans speeches and toasts, possibly toasts. are hands down transferred at some time via party and expected to turn into very funny, amusing not to mention educational in the mean time. very best man wedding speeches 266834

  2. 867158 617308Ive applied the valuable points from this page and I can undoubtedly tell that it gives plenty of assistance with my present jobs. I would be very pleased to keep acquiring back in this internet page. Thank you. 397215

Comments are closed.