MARIIING pinabulaanan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera Dantes ang isang Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan. Ang nasabing FB account ay may profile name na Marian Rivera-Dantes. Laking gulat na lang ni Marian ng nakarating sa kanyang kaalaman na may isang FB account sa pangalan niya ang nagbibigay diumano ng 5k na tulong at i-message lang daw ang naturang pekeng account para makatanggap ng nasabing halaga.
Kung kaya bago pa man maraming maloko ang ito ay agad-agad naman nagpalabas ng isang statement si Marian sa kanyang totoong socmed account na nagsasabing:
“Pawang kasinungalingan po ito! FAKE!!!”
Ani pa ni Marian, tumutulong sila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes sa mga biktima at frontliners ng COVID 19 nang personalan at di pinadadaan sa social media. Ika nga, rektahan na tulong mula sa mag-asawa.
Samantala, dahilan sa inabot ng lockdown ang birthday ng kanilang bunsong anak na si Ziggy, na ipinanganak ni Marian last April 16, 2019, ay isang simpleng salo-salo ang binigay na birthday party ni Marian sa anak. Isang handaan kung saan silang pamilya lang ang bisita ni Ziggy. Si Marian mismo nagluto ng handa at nag bake ng birthday cake ni Ziggy.
AICELLE SANTOS MISS NA ANG LIVE SHOW SA GMA
ISA sa nami-miss ngayon ni Aicelle Santos ay ang kanyang co-judge sa kiddie singing contest show na “Centerstage” ng GMA 7, na si Pops Fernandez. Aminado kasi si Aicelle na noon pa man, wala pa sa showbiz ay idolo na niya si Pops kung kaya ng mabigyan siya ng chance na makatrabaho ito ay super happy ang magaling na Kapuso singer.
Ani pa ni Aicelle, masaya siya tuwing taping ng kanilang show dahilan sa maganda raw ang interactions nila sa isat isa mg iniidolo.
Last year at buwan ng November ng ikasal si Aicelle sa husband niyang dating news reporter ng GMA News and Public Affairs program na si Mark Zambrano, kamusta na kaya ang married life niya ngaon panahon na ang halos buong bansa ay nasa lockdown?
Say ni Aicelle, okey naman daw ang buhay may asawa niya at malabo pa rin daw na matuloy ang plano nilang mag-honeymoon ng mister ngayon summer season. After kasi pakasal ng dalawa ay work muna ang inasikaso nila at nagplano na lang na gawin ang kanilang honeymoon ngayon summer. Pero dahil walang byahe at nasa quarantine ay tengga na lang muna sila sa bansa.
Comments are closed.