SINISIYASAT na ng Facebook ang mga ulat ng pekeng accounts sa platform nito sa Filipinas kasunod ng mga reklamo na ang mga estudyante at alumni ng ilang eskuwelahan ay may blangko at dobleng accounts.
Ayon sa social media giant, bina-validate na nila ang authenticity ng mga napaulat na pekeng accounts at tatanggalin ang mga ito kapag hindi pumasa sa authenticity checks ng kompanya.
“We encourage people to report any accounts they believe may be inauthentic via our easy-to-use reporting tools,” anang Facebook.
Ayon sa kompanya, nag-invest ito ng milyon-milyong dolyar at nag-deploy ng sopistikadong teknolohiya para maagap na matukoy at maalis ang mga pekeng account sa Facebook.
“We estimate that just 5% of our worldwide monthly active users (MAU) on Facebook are fake accounts,” dagdag pa ng kompanya.
Comments are closed.