PEKENG GAMOT IBINEBENTA SA SARI SARI STORE

FDA

NAGKALAT  pa rin ang mga pekeng gamot na ibinibenta sa mga sari sari store.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 185 na sari-sari stores sa iba’t ibang panig ng bansa ang natuklasang nagbebenta ng gamot kahit hindi sila lisensiyadong drug stores.

Ito ay makaraang magkasa ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa pagbebenta ng pekeng mga gamot.

Ayon sa FDA, 78 sari-sari stores ang natuklasang nagbebenta ng mga gamot na labag sa Pharmacy Law, habang 13 naman ang natuklasang nagbebenta ng pekeng gamot na karamihan ay gamot sa COVID-19.

Kaugnay nito ay naglunsad na ang FDA ng portal kung saan nakalista ang mga lisensiyadong drug stores.

Sinabi ng FDA na mayroong 44,989 drug stores sa bansa ang nabigyan ng license to operate ng FDA.
LIZA SORIANO