NASABAT ng Person with Disability Affairs Office (PDAO) sa Quezon City ang ilang pekeng identification cards for persons with dis-abilities (PWD) nang magtangka ang mga holder nito na magpa-renew.
Ayon kay PDAO Officer-In-Charge Renato Cada, agad nilang na-detect na peke ang mga ID subalit nang tanungin ay walang maituro kung sino ang nag-isyu sa kanila.
Hindi rin umano umamin ang mga holder kung nagbayad sila o nagpalakad para magkaroon ng nasabing ID.
Bagaman pinipilit ng holder na legit ang ID ay hindi maikakaila na peke dahil walang security features na taglay ang hawak nilang PWD IDs.
Ang PWD IDs ay entitled sa 20% at VAT exemption sa restaurants at medicine purchases, 20% discount sa transportation fees, at 5% discount sa basic and prime commodities na hindi lalampas sa P1,300 ang presyo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM