SASAMPAHAN ng kaso ng Bureau of Immigration (BI) ang isang nagngangalang Marion Badando dahil sa pagpapangap bilang Immigration employee.
Nabatid na nagpapakilala ito sa kanyang mga nabiktima na isa siya immigration officer at abogado upang makapanghingi ng pera mula sa mga dayuhan na naghihingi ng tulong sa kanya.
At nakarating din sa kaalaman sa pamunuan ng Immigration na si Badando ay iniimbestigahan sa pagkakasangkot nito sa kasong kidnapping sa apat na dayuhan.
Batay sa isinagawang evaluation ng Bureau of Immigration records si Bandado ay hindi naging empleyado ng ahensiya kung kayat wala siyang official connection sa kanilang opisina.
Ayon sa isang opisyal, ang ginagawa ni Badando ay isang pagyurak sa integridad ng Immigration at maging sa kanyang mga nabiktima sa ilegal na paraan.
Dagdag pa ng naturang opisyal bago maki-pagtransaksyon ay i-verify muna ang credentials ng nagpapakilalang BI employee sa pamamagitan ng kanilang opisyal channels kaya’t pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at i-report at i-report ang kahina-hinalang gawain sa mga kinauukulang sa lalong madaling panahon. FROILAN MORALLOS