PINAG-AARALAN na ngayon ng legal team ng Jollibee Foods Corp. (JFC) ang paghahain ng kaukulang kaso laban sa isang fast food restaurant sa China dahil sa copyright infringement.
Sa mga nag-viral na video at litrato ay mistulang pinepeke o ginagaya ng naturang fast food restaurant ang itsura ng mga Jollibee store at maging ang mga klase ng pagkain na kanilang isinisilbi.
Ayon sa JFC, inihahanda na ng kanilang legal department ang isasampang reklamo para maprotektahan ang kanilang pangalan at interes.
Sinasabing ginagaya ng fast food outlet na ‘JoyRulBee’ ang logo, kulay at character ng sikat na fast food chain na Jollibee.
Nabatid na ang Jollibee ay may mga sangay sa China na 10 taon nang nag-ooperate.
Ang mga nag-viral na video at larawan ng ‘JoyRulBee’ ay matatagpuan sa Guangxi, China. VERLIN RUIZ
Comments are closed.