PEKENG KAWANI NG IMMIGRATION NAGKALAT

BIGO ang Bureau of Immigration (BI) na masugpo ang mga pekeng empleyado na bumibiktima ng mga Overseas Contract Workers (OCW) na nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, isang nagkukunyaring empleyado ng immigration ang nag-alok ng tulong sa mga OFW papuntang Japan at Middle East.

Ani Morente, gamit ng isang immigration control officers ang social media photos sa pamamagitan ng facebook groups on line.

Batay sa impormasyon na nakarating kay Morente, nakatangay ito ng umaabot sa P670,000 mula sa kanyang mga naging biktima.

Ngunit, ayon sa mga kritiko ng ahensiyang, hindi maglalakas ng loob na mag-post sa facebook partikular na sa online nasabing nagpapanggap na empleyado kung wala ito kasabwat sa airport o kaya sa main office ng Bureau of Immigration.

Anila, marami pang tiwaling immigration officer, immigration agents at supervisor ang nananatili sa kanilang puwesto sa airport kung kaya’t patuloy ang modus ng mga ito. FROILAN MORALLOS