PEKENG LIASON OFFICER TIMBOG

Immigration

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang pekeng liason officer na nanghingi ng P300,000 sa isang babae na nagnanais magtrabaho sa Africa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto ang suspek sa Barangay San Joaquin Pasig City sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ng Pasig City.

Batay sa report naharang ang biktima ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga pekeng flight details na ibinigay ng suspek sa biktima at hindi pa ito nagpakita sa araw ng flight ng biktima.

Kung kayat hinikayat ni Morente ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang illegal recruiters at human traffickers upang agarang mahuli at mabigyan ang kaukulang kaparusahan.

Ang biktimang ay nasa pangangalaga sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para mabigyan ng tulong, kasabay sa pagsasampa ng kasong laban sa suspek. FROILAN MORALLOS