NAGPAPATULOY pa rin ang bentahan ng mga pekeng liquified petroleum gas (LPG) sa merkado kahit may standards enforcement campaigning at market monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Bilang bahagi ng nabanggit na kampanya ng DTI laban sa mga pekeng LPG tank na nagkalat ay pinapayuhan ang publiko na bumili lamang ng LPG tank na nagtataglay ng markang PS at ICC upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.
Base sa reklamong inihain ng lehitimong manufacturer na WQSY Marketing na ipinaabot sa Department of Trade and Industry-Bureau of Philippines Standards (PS) at ICC, nagkalat pa rin ang mga pekeng LPG na ‘Speed Gaz at Bess Gaz’ na walang marka ng Philippines Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC).
Nabatid na naunang inireklamo sa pamunuan ng DTI-BPS ang paglaganap ng mura, ‘di sertipikado at substandard na LPG tank na “Speed Gaz at Bess Gaz” na may timbang na 2.7 kg at 11 kg Gaz at Bess Gaz na may timbang na 2.7 kg at 11 kg kung saan walang tatak na PS Mark, ICC at ilang mandatory markings na ibinibigay ng DTI –BPS.
Subalit hindi mapigilan ng kinuukulang ahensiya ng pamahalaan ang nagkalat na pekeng LPG tank na may nakaambang pan-ganib sa publiko.
Isa ang WQSY Marketing sa mga lehitimong manufacturers na may libo-libong manggagawa na umaasa sa industriya ng LPG tank at nakapagpapalago ng ating ekonomiya.
Nakasaad sa liham ng WQSY Marketing sa DTI-BPS ang mga katagang, “With due respect, it is very necessary that these finding be acted upon for the safety of the consumers especially those are the CD market since these are the consumers that used this type of cylinders.”
Binigyan din ng kopya ng liham ang Office of the Executive Secretary, Malacañang, Manila at ang Department of Energy.
Nanawagan naman ang mga lehitimong LPG tank manufacturer sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng aksiyon laban sa patuloy na bentahan ng pekeng LPG tank bago maganap ang trahedya.
Gayon pa man, ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) sa pamamagitan ng Surveillance and Monitoring Division ay ma-susing binabantayan ang mga manufacturer ng LPG tank kaugnay sa pagsunod sa Fair Trade Laws (FTLs) at sa mga batas sa product standards bilang suporta sa Bureau of Philippine Standards (BPS).
Hinimok din ang publiko na ipaabot sa FTEB ang mga bodega na pinaglalagakan ng mga pekeng LPG tank upang magawan ng kaukulang hakbang at masampahan ng kasong kriminal ang mga nasasangkot dito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.