BINALAAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa paglaganap ng pekeng P10,000 New Generation Currency (NGC) bank¬note.
“The BSP has not produced and issued a 10,000-Peso NGC banknote,” pahayag ng central bank sa isang advisory na naka-post sa Facebook page nito.
Ayon sa BSP, anim lamang ang denominations ng NGC banknote na kasalukuyang nasa sirkulasyon: P1,000, P500, P200, P100, P50 at P20.
“We advise the public to report immediately to the nearest police station or National Bureau of Investigation the forgery of Philippine banknote and/or use or possession of forged banknote, for appropriate filing of criminal complaint against those persons involved,” wika ng BSP.
Dahil dito, sinabi ng BSP na peke ang anumang P10,000 na lumabas sa social media na ang harap ay may larawan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay habang ang likod nito ay larawan naman ng Mount Pinatubo.
Paalala ng central bank, ang pamemeke ng Philippine banknotes, gayundin ang paggamit at pag-iingat ng pekeng pera ay may karampatang parusa sa ilalim ng batas.
“The BSP enjoins the cooperation of the public in preserving the integrity of Philippine currency through sharing of verified and truthful information,” dagdag pa nito.
Comments are closed.