PASAY CITY – DOUBLE whammy ang sinapit ng isang Korean na napigilan makaalis ng bansa at inaresto pa bunsod ng paggamit ng pekeng pasaporte.
Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nasabat si Kwak Dong Hee, 26- anyos, sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Disyembre 28, 2018.
Ginamit umano ng Kwak ang pangalang Erik Nacis sa kanyang pekeng pasaporte.
Si Kwak ay isang half-Korean half-Filipino na ipinanganak sa Meycauayan, Bulacan noong 1992.
Ayon kay BI Travel Control and Enforcement Unit supervisor Carlo Gomez, inamin ni Kwak ang tunay na pagkakakilanlan matapos dumaan sa ilang katanungan ng immigration officer.
Binili aniya ng Koreano ang pekeng pasaporte sa halagang P120,000.
Huling dumating si Kwak sa Filipinas noon pang Agosto 27, 2015. EUNICE C.
Comments are closed.