PEKENG PRODUKTO SA GREENHILLS INAALIS NA

PINURI ng pamahalaan ng SanJuan City kamakailan ang Greenhills Mall sa pagsisikap na maalis ang mga pekeng nagbebenta sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 10-taong komprehensibong roadmap nito.

“Pinupuri namin ang kanilang patuloy na koordinasyon sa pamahalaan ng San Juan City, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), at Department of Trade and Industry (DTI) upang alisin ang mga imported na pekeng produkto sa lugar ng tiangge nito at lumipat sa pagbebenta ng de-kalidad, ngunit abot-kaya, mga produktong ipinagmamalaking gawa sa Pilipinas,” ani San Juan City Mayor Francis Zamora .

Ikinatuwa din ng pamahalaang lungsod ang pagbubukas ng bagong Greenhills Mall na naglalaman ng maraming sikat na international brands at local brands, restaurant, at komersyal na establisimiyento.

 “Napakabigat ng foot traffic mula nang magbukas ito at napakalaking tulong sa revenue generation ng ating lungsod,” dagdag ni Zamora.

Ayon kay Greenhills Shopping Center Assistant Vice President at Trade Fairs and Exhibits Head James Candelaria, ang mall ay may 10-taong roadmap na naglalayong unti-unting ilipat ang 100 porsiyento ng mga merchant nito mula sa pagbebenta ng mga produktong lumalabag sa intelektuwal na ari-arian pagsapit ng 2027.

Dagdag pa nito, ang mall ay nakapag-alis ng halos 299 na tindahan sa pamamagitan ng suspensyon mula nang ipatupad ang roadmap.

Aniya, sinuspinde ng mall ang mga tindahan na lumalabag sa mga patakaran nito kabilang ang mga panuntunan sa IP.

Magbibigay din ang shopping center ng mga insentibo sa mga tindahan na nagbebenta ng lokal na delicacies at items na inilalagay sa mga premium na lokasyon na nakatayo sa iba’t ibang pasukan ng gusali kung saan matatagpuan ang flea market.

ELMA MORALES