PEKENG SUNDALO DINAMPOT

CAVITE – KULUNGAN ang naging bahay ng 40-anyos na online seller na nagpanggap na sundalo nang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya habang pagala-gala sa bahagi ng Brgy. Bayan Luma 7 sa Imus City kamakalawa ng hapon sa lalawigang ito.

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Villardo Zape y Peradilla Jr. ng ACS Apartment D sa nabanggit na barangay at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Omnibus Election Code and Usurpation of Authority).

Base sa police report mula sa Camp Pantaleon Garcia, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang himpilan ng pulisya kaugnay sa pagala-galang suspek na nakasuot ng military uniform at may sukbit na baril sa baywang.

Kaagad bineripika nina SSg Philip Andrew Garingo at Pat. Cemar Espinola ng POP1, Imus CPS ang nasabing lugar kung saan namataan ang suspek.

Nang sitahin nina Garingo at Espinola ang suspek na naka-military uniform pa at pistola sa baywang ay wala itong maipakitang papeles na nagpapatunay na AFP personnel at wala ring lisensya ng baril.

Dito na inaresto ang suspek at binitbit sa police detention facility habang inihahanda na ang ilang ebidensya para sa pagsasampa ng kaukulang sa Provincial Prosecutors Office. MHAR BASCO