NASABAT ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board at Manila Police District ang nasa mahigit isang daang kahon ng duck blood o dugo ng pato, higit sa 80 timba ng mga seaweed, at mga Peking duck sa ilang apartment-warehouse sa isang “Chinese compound” sa Juan Luna St., Tondo, Manila.
Ayon kay Dr. Nick Santos ng Manila VIB, ang packaging ng mga naturang produkto na nakarehistro sa Tristar Frozen Prod-ucts ay may Chinese letters pero walang translation sa English. Wala ring nakasaad na expiration dates.
Umaalingasaw na ang amoy ng mga nakumpiskang seaweeds kung saan ang ibang timba ay nasa loob pa mismo ng CR.
Isa naman ang arestado, dahil naaktuhan na ang sasakyang minamaneho niya ay mayroong kargang frozen goods kung saan ayon dito, dinadala ang mga produkto sa mga mall at restaurants sa Binondo at Divisoria.
Isasailalim ang mga produkto sa laboratory test, upang malaman kung ligtas ang mga ito para sa public consumption.
Iisa ayon kay Santos ang may-ari ng warehouse at frozen meat products na nakumpiska sa Tondo kamakailan kabilang ang mga karne ng baboy, manok at Chinese dimsums na fishball, sharks fin at kikiam.
Comments are closed.